Thursday, July 14, 2011

Father and Sons - Ikaapat na Bahagi

NAALIMPUNGATAN AKO SA NAKAKASILAW na liwanag na tumatagos sa bintana. Kaagad akong nagtabing ng mata gamit ang aking kaliwang braso. Pumipintig sa kirot ang sentido ko. Mariin akong napapikit. Hindi ko pa kayang bumangon. Matutulog pa sana ulit ako nang marinig ko ang malakas na kalabog mula sa kusina. Bigla akong napabangon.


"Oh dear, I'm so sorry, Miguel," paumanhin ni Kuya James. Nakatapis siya ng tuwalya, mukhang bagong ligo. "Did I wake you?" Pinulot niya sa sahig kung anuman 'yung bumagsak. Hindi ko na inalam dahil pumipintig pa rin ang ulo ko. "You can go back to sleep if you want," suhestiyon niya, pero tila may kung anong kakaiba sa kinikilos niya na di nakaligtas sa 'kin. Hindi ko lang matukoy kung ano.


Sinubukan kong tumayo, unti-unting umikot ang paningin ko. Bagsak ulit ako sa sahig. 


"Hey, are you okay?" Takbo si Kuya James palapit sa akin at inalalayan ako. 


"I feel weird and clammy," sagot ko. 


"Isang biogesic lang ang katapat niyan," ani Kuya James. Kaagad kong naisip ang commercial ni John Lloyd. Napansin ko ring may pagkakahawig pala si Kuya James at John Lloyd. Nerd version ni John Lloyd itong si Kuya James. Pero hindi ko maimagine si John Lloyd na magpo-pronounce ng 'biogesic' as 'biogeesic.' Napangiti ako nang maimagine ko ang magiging reaksyon ni Kuya Marco kapag narinig niya kung paano sabihin ni Kuya James ang 'biogesic.'


"What's funny, Miguel? Did I say something wrong?" Usisa ni Kuya James habang papalapit siya sa kin dala ang baso at ilang tableta ng biogesic. 


"I was just imagining Marco's expression when he hears you pronounce biogesic that way,"pakli ko.


"I know. But you know that it's the proper pronunciation, right?" 


"Sure," sagot ko. "Nasa bahay na ba siya?"


"Yep, tumawag ako kanina."


Nabawasan ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung dahil nalaman kong nakauwi nang safe si Kuya Marco sa bahay, o dahil sa biogesic. Inabot ko kay Kuya James ang baso at napansin kong hindi siya makatingin nang tuwid sa kin. Bigla rin akong na-concious. 


"Thanks," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Sinipat ko ang orasan sa dingding. Alas nuwebe na pala.  


"Hey, listen -"


"Miguel, would you -"


At lalong tumindi ang elephant in the room. Elephant in the room, si Kuya James ang nagturo sa kin kung ano ang ibig sabihin niyon noong highschool nang magpaturo ako sa kanya ng assignment sa English tungkol sa figures of speech. Kahit paano'y may mga moments rin kami ni Kuya James. Laging seryoso nga lang.


"You go ahead."


"No, you first."


Kung nandito sana si Kuya Marco, hindi kami magkakailangan ni Kuya James. Mag-aalas tres nang madaling araw nang mag-walk out si Kuya Marco. Sinubukan siyang pigilan ni Kuya James, muntik nang masuntok ang huli. Hindi na ako makaawat dahil nahihilo na ang buo kong daigdig. Pinilit kong makarating sa CR para magsuka at pagbalik ko'y wala na si Kuya Marco at nakaupo sa may pinto si Kuya James, puno ng pag-aalala ang mukha. 


"I shouldn't have done it," mangiyak-ngiyak na sambit ni Kuya James kagabi.


I shouldn't have let you, but I did - sabi ng utak ko. Ang drama natin, tang-ina, gusto ko ring sabihin pero kahit pinalakas ng juts at alak ang loob ko, hindi ko pa rin magawang magwala. This is nice, sabi pa rin ng utak ko. I can still think well even if I'm high. Horay.


"Diego just called a few minutes earlier. Napaaga raw ang flight niya," tila nag-aalangang banggit ni Kuya James.


Iyong kalabog kanina, alam kong sinadya niya 'yun para magising ako. Apparently, he wants me to leave.


"Yeah, of course. Hilamos lang ako then I'll be off," sagot ko. Pinilit kong huwag magmukhang bitter pero hindi yata tumalab sa boses ko.


"I'm sorry, Miguel," pakli ni Kuya James. Somehow, hinintay ko ang susunod niyang sasabihin, na nagso-sorry siya dahil ayaw niya ng karagdagang kumplikasyon kapag nadatnan siya ni Diego sa pad. Wala naman talagang masama doon dahil kapatid naman ako ni Kuya James. Walang imik na tumungo ako sa banyo. Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Kuya James.


Nang humarap ako sa salamin, tsaka ko narealize kung bakit ako tinawag ni Kuya James. Wala pala akong saplot sa katawan. Hindi ako nude kung matulog. Hangga't maaari, nagsusuot ako ng boxers o brief. Wala namang pumapasok nang basta-basta sa kuwarto ko pero hindi pa rin ako kumportableng matulog nang hubad. Iisa lang ang ibig sabihin nito, may nangyari sa 'min ni Kuya James kagabi. 


Pero anuman ang gawin kong pagba-backtrack, wala akong maalala maliban sa mapaglarong kamay ni Kuya James na tumalunton sa puwetan ko, tsaka ang unti-unting paninigas ng utong niya. Dahil na rin siguro sa epekto ng pinaghalong juts at beer kaya naging malikot ang kamay namin ni Kuya James. Pero bago pa man panggigilan ni Kuya James ang puwet ko, biglang nag-butt in si Kuya Marco.


"Sorry to be a total buzzkill, but will you two shut it. Sheesh." Punong-puno ng disgust ang boses ni Kuya Marco at pareho kaming napatigil ni Kuya James sa hiya. What's wrong with you, gusto ko sanang ibato kay Kuya Marco pero naisip ko na kapag ginawa ko yun, maba-validate na ayos lang kung anuman ang ginawa namin ni Kuya Marco. Ayaw ko mang isipin, tila si Kuya Marco ang may hawak ng alas, at ako'y sunud-sunuran lang.


"What's wrong with you two? Have you lost your marbles? You're fucking nuts. Nothing's normal in this family. And I thought I was the only one who's crazy," patuloy ni Kuya Marco. Tamang-tama ang intensity ng ilaw sa kuwarto para sa dramatiko niyang pagmo-monologue. Napatawa ako nang malakas.


"Shut up, Miguel. I'm serious," seryoso nga si Kuya Marco pero tawa pa rin ako ng tawa. Signal ko na rin iyon sa kanya na dini-dare ko siya na suntukin ako. Marahas niyang ibinato sa sahig ang hawak na bote ng beer. Malinis ang pagkabasag ng bote, nagkapirapiraso pero hindi bayolente ang pagsabog. "All right, you're f*cking free to do whatever you want," sabay bwelta sa pinto. Kaagad namang sumunod si Kuya James, patalon-talon siya sa sahig para iwasan ang nagkalat na bubog. Para siyang nagtitinikling.