"Explain.." Mahinahon ang boses ni Dad pero sapat na iyon para dumagundong ang tibok ng pulso ko. Hawak niya ang report card. Nasa hapag-kainan kami that time, kumpleto. Isa-isang nagtaas ng tingin sina Kuya Marco (na noon ay first year college sa La Salle), si Kuya James (second year sa Ateneo) at si Mom. Nalunok ko nang buo kung ano man ang kinakain ko. Sa gilid na mata ko, napansin kong pangisi-ngisi si Kuya Marco para bang nagsasabi ng "Lagot ka ngayon." Samantalang puno naman ng 'encouragement' ang tinging iginawad ni Mom sa kin. Si Kuya James, blangko ang mukha.
"I'm sorry, Dad," wika ko.
"I don't need an apology, Miguel. I want an explanation," mahinahon pa rin kagaya kanina ang boses ni Dad.
Bakit bumagsak ako sa Math, iyon ang gustong malaman ni Dad. I've never liked numbers, you know that. Gusto ko sanang sabihin kung mayroon lang akong lakas ng loob. Pero siyempre, hindi iyon acceptable kay Dad. Whether we like it or not, we shouldn't flunk any subject. Isa pa, wala akong subject na binagsak dati pa.
"I guess I focused more on English and Filipino that I failed Math," pakli ko.
"Nonsense. I don't need to tell what to do. Do I, Miguel?" hamon ni Dad.
"No, Dad.." sagot ko.
"That's it?" tanong ni Kuya Marco nang buong pagtataka.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Well, when I flunked in Filipino, you didn't let me use my computer for a week! That's no fair."
"James, honey," si Mom. "To be fair, you failed 4 subjects that time so the consequence had to be rather grave." Natawa kaming lahat. I swear nakita ko ring ngumiti si Dad, pero halos ga-segundo lang.
"WELL?" TANONG NI DAD, NAGHIHINTAY ng sagot sa aming tatlo. Si Kuya Marco lang ang hindi naka-tungo. Kami ni Kuya James, mukhang guilty.
"Well, Dad, what do you have to say about that?" si Kuya Marco.
"About what, Marco?"
"Can you cut it out, Dad? We're not completely idiots like you think, you know."
Tiningnan ko nang makahulugan si Kuya Marco. Pero tila hindi yata paawat ang loko.
"Please be honest for once - whose fault is it that you and Mom have to part ways? Is there some bastard kid that we don't know of?" Gusto kong matawa sa tanong ni Kuya Marco. Gusto ko ring sabihin na napaka-irrelevant ng isyung gusto niyang i-raise. Pero siyempre, hindi ko magawang makisali. Hangga't maaari, observer lang ako. Ganoon yata talaga kapag bunso.
"Marco!" awat ni Kuya James, na bahagya kong ikinagulat. Hindi ko kasi nakita dati na sinaway niya si Kuya Marco.
"Let him babble like a complete idiot that he says he is, James," wika ni Dad nang mahinahon.
Inobserbahan ko ang paligid. Mukhang wala namang nakahalata na may dramang nagaganap sa mesa namin. Maliban siguro sa magsyotang kaka-bill out lang.
"You really want to know whose fault it is?" paghahamon ni Dad kay Kuya Marco. Ramdam ko na naging uneasy si Kuya Marco. Alam kong hindi niya kayang i-challenge si Dad. "Your Mom has been seeing some guy. She says she's not happy with me anymore." Kaswal lang ang pagkasabi ni Dad, na para bang normal lang na may ibang lalaki si Mom.
Katahimikan. Mahabang katahimikan. Mahabang-mahabang katahimikan.
Tumawa nang malakas si Kuya Marco, out of the blue. Nagulat ako. Tinatahak namin ang kahabaan ng EDSA. Si Kuya James ang nagmamaneho. Nasa backseat ako, abala sa pagmamasid sa dinadaanan namin. Napakaluwag ng EDSA, bihirang mangyari ito. Sa stereo ng sasakyan, malamyos na pumapailanlang ang malamig na boses ni John Legend. Pagkatapos ng dinner namin kanina, nagpaalam si Dad na pupunta siya sa Batangas para umatend ng kasal ng kumpare niya. Normal lang din ang ikinilos ni Dad, na para bang walang nangyari. Pinaalala pa niya kay Kuya James na huwag daw kalimutang pakainin si Winston, ang alaga niyang golden retriever.
"What's so funny?" tanong ko na may halong pagkainis. Napaka-perfect kasi ng moment para mag-emote, at panira itong si Kuya Marco.
"This whole thing, isn't it funny? Mom's fucking some guy, Dad's looking cool about it, James is fucking some guy, and you Miguel, how can you sit there comfortably and be fucking calm?"
"What do you want us to do, Kuya?"
Kuya. Minsan ko lang magamit ang titulong iyan kay Kuya Marco. Parang batang nagsimulang umiyak si Kuya Marco. Tumingin ako kay Kuya James, umiling lang siya.
"May ilang juts ako sa condo. I'm guessing you want some, Marco?" tanong ni Kuya James.
"Hell yeah," sumisinghot na tugon ni Kuya Marco.
Napatawa si Kuya James, tumawa na rin ako. Sumabay si Kuya Marco sa tawanan namin. Nasapawan ng matunog na halakhak ang next track ni John Legend sa car stereo: We Just Don't Care.
NASA IKA-DALAWAMPUNG PALAPAG ang condo ni Kuya James. Hip na hip ang dating ng buong silid. Pinaka-theme ang libro. Sa bawat sulok ay mayroon yatang libro. Pero nagbi-blend in ang mga ito sa overall style at design ng kuwarto. Pinahanga ako ng coffee table set na inspired ng libro. Parang pinagpatong-patong na hardbound books ang mesa.
"Ikaw ang nagdesign nito, Kuya?" tanong ko habang binubuklat ang ilang koleksyon sa estante. Mga nobela ni Saul Bellow at Haruki Murakami.
"Pinagtulungan namin ni Diego," simpleng sagot ni Kuya James. Pumunta siya sa kitchen at kumuha ng tatlong bote ng beer.
"So where is he?" tanong ni Kuya Marco na sumalampak sa sofa, tila patang-pata.
"Outside the country, doing some research work," ani Kuya James. Initsa niya ang bote kay Kuya Marco.
"He's still a student?" si Kuya Marco, habang binubuksan ang beer.
"No, he's assigned by the company to do some field work." Iniabot sa 'kin ni Kuya James ang beer pagkatapos niyang buksan. Kumuha siya ng mani sa ref at ibinudbod iyon sa bowl.
"How long have you been fucking?" kaswal na tanong ni Kuya Marco. Akala ko mapipikon si Kuya James, pero ngumiti lang ito. Pareho kami ng mga naiisip na tanong ni Kuya Marco pero hinayaan kong siya na lamang ang mag-voice out ng mga iyon.
"Two years, I guess." Hinubad ni Kuya James ang sapatos at sumalampak na rin sa bean bag. Lihim ko siyang pinagmasdan. Ibang-iba siya sa James na nakakasalamuha ko sa bahay. Dito sa sarili niyang condo, tila napaka-at ease niya sa sarili.
"When are you planning to let the cat out of the bag? I mean to mom and dad," patuloy ang pag-usisa ni Kuya Marco.
Tinungga ko ang beer, halos mangalahati na ito nang tumigil ako.
"Mom knows."
"Hmm..." tipid na tugon ni Kuya Marco. Iba ang dating ng pag-hmmm niya sa 'kin. Iyon ang sinasagot niya sa 'kin kapag may nasasabi akong hindi niya alam o hindi niya gustong marinig. "So alam mo na nanlalalaki si Mom?" dugtong niya.
"I guess."
"Fucking homo."
"Hey," saway ko kay Kuya Marco.
"Don't worry about it, Miguel. He's right anyway," sabi ni Kuya James. "I'll be right back," tumungo siya sa isang silid.
"That was totally offensive," sita ko kay Kuya Marco. "Subukan mo kayang mag-sorry."
Nagkibit-balikat lang si Kuya Marco. Maya-maya pa ay tumayo na ito, na-bore marahil. Nagpunta sa kusina, nagbukas ng mga kabinet, bumalik sa sala, nagtingin-tingin ng ilang magazine at DVD sa estante malapit sa TV set. Kumuha siya ng ilang piraso at tatawa-tawang inihagis iyon sa akin. Nagkalat sa tabi ko ang kopya ng mga magazine na lalaking nakahubo ang nasa cover.
"Those might interest you," pang-aasar ni Kuya Marco.
"Yeah, really interesting," pangungutya ko.
"Look at this humongous dick, unbelievable. It's either fake or the guy's taking steroids. How long do you think is this guy's shaft, ha Miguel?"
Hindi ko pinansin si Kuya Marco. Naging uneasy na rin ako sa mga imaheng nasa aking harapan. Biglang dinakma ni Kuya Marco ang ari ko. Bigla ko rin siyang naitulak. Nasagi ang bowl ng mani sa mesa. Nahulog iyon at nabasag.
"What's wrong with you?" singhal ko kay Kuya Marco.
"What's wrong with you? Can't you take a joke?" sagot ni Kuya Marco.
"Take it easy guys." Si Kuya James na kalalabas lang ng silid. "Stay where you are, you might hurt yourself." Kumuha siya ng dustpan at nilinis ang bubog sa sahig.
"Nasaan na ang juts mo, James?"
"Desperate men can hardly wait," pakli ni Kuya James at initsa kay Kuya Marco ang inaasam nito. Bago pa man maibudbod ni Kuya Marco ang puting powder sa mesa, pinaalalahanan siya ni Kuya James. "You mind doing it inside the washroom?"
"What, like you don't want little Miguel to see how it's done?"
"Exactly," matipid na tugon ni Kuya James.
"You don't really have to do that," sagot ko, kay Kuya James. "I'm no longer a child, you know," dagdag ko. Conscious ako na may halong hinanakit ang boses ko. "Sooner or later, I might try to do that as well."
"See what you've done, James, you hurt his feelings," patuloy ang pang-aalaska ni Kuya Marco. Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Parang bata naman akong umiwas. "Come here, kid." Umusog siya sa tabi ko. This time, hindi na ako umiwas. Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo. "There, you feel better now?"
Tumawa si Kuya James. "Para kayong mga bata."
"Wait till you see this," wika ni Kuya Marco at siniil ako ng halik sa lips.
No comments:
Post a Comment